$ 0 0 Naranasan mo na bang mag CR sa isang mall or kahit saang lugar? Syempre inabutan ka ng tawag ng kalikasan. Ano pang magagawa mo kundi ang sundin ito.Natawa ako sa kwentong ito sa CR. Maraming taong sadyang palasagot lang. Kaya lang minsan hindi naman sila ang kausap! Hahaha. Basahin na lang natin ang kahiya hiyang ito;Sa C.R. sa isang Mall... Pumasok sa banyo ang isang lalaking hindi na mapigilan ang tawag ni Inang Kalikasan. Tinulak ang pinto! Blaggg! Sabay hubad at upo sa inidoro. Ahhhhh.... Habang naka-upo na siya may nagsalita sa kabilang banyo...Tao:Pre, kumusta?Nag CR:(sumagot) ok lang...Tao:Ano gawa mo dyan?NagCR: E2..dumudumi.. di ko na makayanan eh... Tao:Pre tawag na lang ako ulit sayo mamaya..may sagot kasi ng sagot dito eh...Di naman kinakausap! Pahiya! Hahaha. Minsan kasi wag sagt ng sagot ng hindi ikaw ang kinakausap. Lalo na, kapag hindi mo naman nakikita. Hahahaha. Magandang Hapon!